Chapter 22

2736 Words

Ramdam ni Toni ang tensiyon pagpasok pa lang ng Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport. Pag-alis pa lang ng farm ni Rushmore sa Davao ay nakasunod na ang mga reporters. At alam niyang paglabas ng airport ay dudumugin siya ng mga ito. Nakaramdam siya ng tensiyon at panlalamig habang hinihintay ang pagdating ng mga luggage nila. Bukod pa doon ay umuugong ang tainga niya mula sa pagkakakulong sa eroplano. Bahagya ring masakit ang ulo niya. “Are you okay?” tanong ni Rushmore at ginagap ang kamay niya. “Medyo masakit lang ang ulo ko dahil sa pressure ng eroplano,” sabi niya at nakangiti itong tiningala. “Pero okay lang ako kasi nandito ka.” Ihinilig niya ang katawan dito at narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. “Mas gusto ko pa rin kung nasa farm ka lang.” “At nagkakampo sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD