HINDI magkamayaw ang mga teacher at kaklase niya sa pagpapakuha ng pictures sa kay Toni. Matapos ang performance na iyon ay parang malaya siya at handang harapin ang mundo. Wala siyang mali sa sign language test niya. Pati ang ibang mga tao sa audience ay nagpakuha din ng picture hindi lang sa kanya kundi pati kay Ruan. “Great job!” bati agad ni Rushmore nang makawala siya sa mga gustong magpa-picture sa kanya at kinintalan siya ng halik sa labi. “Lahat naman kaming estudyante dito maganda ang performance,” sabi niya at yumakap sa baywang nito. “But your performance with Ruan was very inspiring. Naramdaman naming lahat ang puso. Ibang-iba sa paraan ng pagkanta mo dati,” puno ng pagmamalaki nitong sabi. “Naiintindihan ko ang punto mo. Naramdaman ko rin iyon kanina. Siguro dahil hindi

