“Nasa Davao ka at binili mo sa isang auction si Rushmore? Nasisiraan ka na ba ng bait? Wala ito sa usapan natin, Toni!” Napangiwi si Toni nang bulyawan siya ni Mommy Jho habang kausap niya sa cellphone. Naghahanda na siya para sa dinner nila ni Rushmore nang galit na galit itong tumawag sa kanya. Nakarating na dito ang muli nilang pagkikita ni Rushmore dahil na rin marahil sa mga newsfeed mula sa mga reporter na nag-cover ng Hot Men for a Cause at sa mga socialites na dumalo din doon. Sa loob ng sampung na buwan ay inalalayan siya nito para tiyaking hindi na sila magkakaroon pa ng komunikasyon ni Rushmore. She said she wanted to spare her from the pain. Oras na rin daw para mag-move on siya. Di nito alam na hindi ganoon kasimple iyon. She had a stubborn streak. Kung mahal man siya ni

