Isang beses pang tiningnan ni Toni ang sarili sa salamin. Suot niya ang red sequined halter dress na may katernong red stiletto pumps. Nasa suite siya ng Marco Polo Hotel Davao kasama si Dianne. “What do you think? Maganda na ba ako?” tanong niya at hinarap ito. “Siyempre naman, Ate. Kailangan pa bang itanong ‘yan?” sabi nito at nag-two thumbs up pa. “Tiyak na luluwa ang mata ng mga lalaki kapag nakita ka.” Isinuot niya ang ruby earrings niya. “Wala akong pakialam sa ibang lalaki. Si Rushmore lang ang gusto kong paghandaan. Mapapansin kaya niya ako?” Nasa Davao siya para sa Hot Men for a Great Cause kung saan ang mga benificiaries ay ang mga kabataang may kapansanan na nais mag-aral ng musika. At isa sa mga featured bachelors doon ay si Rushmore. “Imposibleng hindi kayo mapansin ni

