“Congratulations! Tatlong awards sa isang gabi. Wow! That’s quite an achievement.” Lutang pa rin ang pakiramdam ni Toni habang pinagmamasdan si Rushmore na nagsasalin ng paborito niyang mangoosteen sa wine glass. Nasa rooftop garden restaurant sila sa Makati para sa celebratory dinner na eksklusibo para sa kanila ni Rushmore. At dahil di siya maaring uminom ng alak ay nagkasya na siya sa pag-inom ng juice. Masyado na siyang masaya matapos ang performance niya sa award’s night. Marami na siyang papuring natanggap. Pero natriple pa ang saya niya nang makuha ang tatlo pang award – Best Female Artist of the Year, Album of the Year at ang isang awitin niya ang Song of the Year. Pero ayon sa mga tao ay pinakamalaking award na nakuha niya ay ang maging nobyo ni Rushmore. He was the best awar

