Sa pinakamalapit na simbahan idinala ni Rushmore si Toni. “Kapag may problema ako at hindi ko masabi kahit na kanino, nagdadasal lang ako. Isang dasal lang naman ang layo natin sa Diyos. Siya lang naman ang nakakatulong sa mga problema natin.” Bumaba siya ng sasakyan at pinagmasdan ang simbahan subalit hindi niya magawang lumapit. Marami siyang gustong itanong sa Diyos. Maraming tanong na gumugulo sa isipan niya. “Hindi ka ba papasok?” tanong nito. “Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito. Parang sobrang bigat na ng nangyayari sa akin…” Huminga siya ng malalim. Masyado yatang malupit ang langit sa kanya. Hindi niya alam kung kaya pa niyang lagpasan ang mga pagsubok. Ginagap nito ang kamay niya. “Minsan inuulan tayo ng mga pagsubok. Kung kailan nasa atin na ang lah

