Sinalubong agad ng kislapan ng mga camera at tumutok agad ang TV cameras kay Toni pagbaba niya ng Chevrolet Suburban niya. Hindi niya pinansin ang tanong na ipinukol ng mga reporter sa kanya. Ang totoo ay magulo ang isip niya habang nasa sasakyan. Hindi rin niya maintindihan kung anong nangyayari dahil umuugong ang tainga niya. Hindi niya maunawaan ang paliwanag sa kanya ni Dianne habang nasa biyahe. Wala siyang ibang iniisip kundi ang kaligtasan ng kapatid niya at ang dinadala nito. Sinalubong agad siya ni Mommy Jho. “Hindi nila ako pinapasok sa loob. Hangga’t maari puro kapamilya lang daw ang dadalaw,” sabi nito. “Nasa third floor ang kuwarto niya.” “Ano pong nangyari kay Aya?” tanong niya at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa elevator. “Buntis siya. Dapat nag-iingat siya. Saka ang al

