"Ang ganda dito. Parang pwede mong kalimutan ang lahat. Parang masarap mag-snorrkeling, diving, windsurfing, kiteboarding ," sabi ni Toni at excited na ikinawkaw ang paa sa tubig. Nakasakay sila sa paraw o sailboat na karaniwang transportasyon sa Boracay. Hindi alam ni Toni kung bakit pumayag siya sa deal ni Rushmore. Dapat ay nakamukmok siya sa isang lugar. Hindi nag-iikot ng Boracay at nag-e-enjoy. She was already hopeless about her case. She already gave up. Pero hindi naman niya magawang balewalain ang pagtatangka ni Rushmore na pasayahin siya. “You haven’t tried it?” Umiling siya at uminom ng mineral water. “Hindi pa.” Pero ilang beses ka nang pumunta ng Boracay.” "Mas gugustuhin kong matulog na lang. Ginto ang tulog sa akin. Kapag nasa isang lugar ako, wala na akong oras mamasy

