Magandang pagmasdan ang paglubog ng araw. Mistulang ginto ang langit at ang dagat sa baba ng kinatatayuan niya. Isang magandang pagtatapos ng araw. Isang pagtatapos para sa kanya habambuhay. Matapos mawalan ang pandinig niya sa harap ng maraming tao ay nakita niya kung ano ang magiging buhay niya. Wala na siyang maririnig. Hindi na siya makakakanta. Ultimo sarili niyang boses ay hindi na niya maririnig. Hindi niya kayang mabuhay nang parang walang silbi. Hindi niya kayang mabuhay nang kinaaawaan ng lahat. Tumingin siya sa bangin sa ibaba. Nasa gilid siya ng bangin na di kalayuan sa villa. Sinamantala niyang umalis habang walang taong nakakakita sa kanya. Gusto siyang kausapin ni Rusmore kanina tungkol sa sakit niya. Ano pa bang kailangan nito sa kanya? Sinabi na niya dito ang tungkol sa

