Kumunot ang noo ni Noah ng wala si Elly sa kuwarto nito at mas lalong wala naman sa kuwarto n'ya kaya dumeretso na s'ya sa kuwarto ni Tanya at tama hinala n'ya naroon nga ang magaling n'yang asawa at ang sarap ng hilik samantalang s'ya e madaling araw na hinahanap pa rin ito. Akamang bubulabugin n'ya ang tulog nito ng mapansin ang puting manggas na naka laylay sa ilalim ng kumot. Bahagya n'ya itinaas ang kumot ni Elly sa parte nito. Tumaas ang kilay n'ya at bahagyang napalunok ng makitang naka underwear lang si Elly habang meron familliar na damit ang naka pagitan sa hita ng asawa na akmang hihilahin na n'ya ng may tumapik sa kamay n'ya at muntik na s'yang atakihin sa puso ng mapatingin sa mukha ni Tanya na may suot pang facial mask. “Ang manyak mo rin ano.” halos pabulong na sita ni Tany

