Kanina pa gising si Elly nakatulog kasi s'ya ng tumalab ang gamot na itinurok sa kanya ng OB n'ya pero 'di n'ya magawang mag-mulat sobrang na hihiya s'ya kay Noah. Under observation pa ang contraction ng tiyan n'ya kaya ni-request na rin ng OB na mag stay muna s'ya sa hospital kahit 24 hrs lang daw, na pinayagan naman ni Noah. “Hiyang-hiya ka na ba ngayon?” boses iyon ni Noah na ramdam n'yang nasa tabi lang n'ya. “Alam mo bang muntik na akong atakihin sa puso ng binuhat kita kanina habang pababa tayo ng unit mo. Ni hindi ko na naramdaman yung bigat mo sa sobrang takot ko tapos ano, yun pala 'di ka lang natunawan muntik ko pang ipasarado tong hospital na to dahil sa'yo.” sermon ni Noah kaya mas lalong ipinikit ni Elly ang mga mata. Sobrang nakakahiya na nga pinaaalala pa nito. “Nag mukh

