Chapter 30

2033 Words
CAITH LUMIPAS ang apat araw at pauwi na ako ng bahay. Meron sa akin na kinakabahan at the same time ay na-e-excite! Pauwi na ngayon sila Ali at alam ko bukas ay makikita ko na siya. Something in me feels tickling! The thought of me seeing him again really excites me. Pagbaba ko sa kanto ng bahay namin ay mabilis akong naglakad papunta ng bahay hindi dahil takot ako kung hindi gusto kong yakapin ang my melody na ibinigay nito sa akin. Sa apat na araw na napamamalagi no'n sa akin ay walang gabi na hindi ko yakap ang mga paa non pati na ang unan na kasama no'n at dahil pareho kami ni Faye na gusto iyon ay pareho kaming nakaunan sa mga paa. Bahagya akong nahinto sa paglalakad nang nakaramdam ako ng tao sa gilid ko pero hindi ko iyon nilingon at nagpatuloy na naglakad. Ngumiti akong muli at mabilis na lumakad at huli ko na napansin ang kotse sa tapat ng bahay namin pati na ang nakatayong lalaki na nandoon. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang may nakasandal sa kotse niya. "Scold!" masayang tawag ko dito at patakbong lumapit sa kan'ya. "Akala ko bukas pa tayo magkikita?!" nakangiting angil ko dito. "Bakit? Ayaw mo akong makita ngayon?" tanong nito habang may ngiti sa labi niya. "Hindi ha! Of course, gusto ko!" saad ko dito. "Namiss kita, scoldy!" mahinahong kong usal na ikinatawa niya. "Namiss din kita, smiley," usal nito sa akin sabay lagay ng kamay niya sa ulo ko. "Kumusta si my melody sa higaan mo?" tanong niya bigla kaya naman naalala ko na may sasabihin pala ako. "Ay! Salamat pala sa maraming my melody! I really really love it! Sobra! Iba ka din talaga magpakilig ha!" saad ko dito sabay tusok pa sa tiyan niya. "I hugged it every night! Dalawa kami ni Faye ang nakaunan sa hita ni my melody!" masayang pahayag ko. Nagtaka naman ako nang bigla itong maging malungkot. "Buti pa si my melody laging yakap, ako kaya kailan mayayakap at makakatabi ninyong dalawa," usal niya na ikinagulat ko. Pero napangiti hindi kalaunan. "I can hug you if you want?" nakangiting usal ko sa kan'ya. "You can?" tanong nito na mabilis kong ikinatango. Hindi na ako nag-intay ng sagot niya at agad siyang niyakap at ibinaon ang mukha sa dibdib niya. Naramdaman kong natigilan ito sa ginawa ko bago bumulong sa akin. "Are you doing this because your ex is here?" Ako naman ngayon ang natigilan at marahang lumayo sa kan'ya at tinignan siya. I actually forgot about Lloyd! And I'm doing that because I wanted to. I'm a bit hurt by what he said but I keep a smile on my face while looking at him smiling at me. "Hindi, nabigla lang din ako," usal ko. "Gusto mo pumasok?" tanong ko na lang. Bigla akong napahiya sa sinabi niya parang ayoko na gumawa ng hakbang para maparamdam ung nararamdaman ko. "Hindi na, nagpunta lang talaga ako para makita ka," usal niya. Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. Ayon lang pala. "Sige na, uwi ka na. See you tomorrow," usal ko. "Thank you ulit sa my melody. Ingat ka," Tipid akong ngumiti sa kan'ya at marahang kumaway bago tumalikod at naglakad papasok ng gate. Nang makapasok ako ay muli akong tumingin sa kan'ya at nakita ko ang mata nitong nagtatanong sa akin. "I forgot about him, I did that because I really miss you," saad ko at tipid na ngumiti bago muling tumalikod at naglakad na papasok ng bahay. Pagpasok ko ay nagulat sila papa dahil iba ata ang itsura ko. "May nakaaway ka ba? O may umaway ba sa iyo?" tanong nito sa akin. Umiling lang naman ako dito at akmang sasagot nang biglang magsalita si Mama. "Baka nag-away sila ng KAIBIGAN niya," Bahagya pa nitong pinagdiinan ang salitang kaibigan. Hindi naman na ako sumagot at yumuko lang. "Akyat na po ako," paalam ko. Nakayuko akong umakyat ng kwarto naming mag-ina. "MY MELODY! Ang sama ng ugali ng nagbigay sa iyo! Akala ata e, ginagamit ko siya!" usal ko sa unan na yakap ko. Tulog na si Faye sa gilid ko at hindi ko na rin naisipang kumain dahil nawala lahat ng gana ko. Hindi lang sa sinabi ni Mama kung hindi pati na doon kay Ali. Ang hirap lang makipag-usap sa ganon. I was so excited to see him or to call him but he ruined it! All my excitement vanish the moment he mention about Lloyd! I just want to hug him and make him feel love pero mukhang hindi pa siya naniniwala sa pinaparamdam ko. Tama lang iyon, hindi pa din naman tiwala sila mama sa akin. Lalo na si Mama, ayaw niya pang makipagrelasyon ako. "Hm! Gigil talaga ako diyan sa nagpadala sa iyo e!" usal ko. Bahagya naman akong nagulat mamg biglang tumunog ang phone ko, sa takot ko na magising si Faye ay agad ko itong sinagot at hindi tinignan ang pangalan. "Smile, are you mad at me?" Agad akong natigilan nang marinig ko ang boses ni Ali. "Smiley, I'm sorry…" usal nitong muli nang hindi ako magsalita. "Hindi naman ako galit, offended lang. You judge me easily like others," saad ko. "I did that because I miss you… Sobrang excited akong makita ka, tapos noong nakita kita– ewan ko sa iyo," usal ko na may halong inis. Napabangon pa ako non sabay upo sa lapag. "I'm sorry… I really thought you're just doing it because of that guy. I'm sorry, I want your hug again," usal nito sa mababang boses at mababakas ang pagod. "You sound so tired," usal ko. "You should rest now, may bukas pa naman tayo para mag-usap," saad ko dito. "I didn't see your smile yet, I think I can't sleep," "You saw me smiling earlier," saad ko. "Yes but we end up arguing and misunderstood each other. You lost your smile while turning your back at me," malungkot ang pagkakasabi nito sa bawat salitang binitawan niya. "Hindi mo naman ako makikitang ngumiti ngayon kung ngingiti ako," usal ko at bahagyang napairap. Totoo naman kasi! Paniguradong umuwi na siya sa kanila dahil kanina pa kami nag-usap! "Look at your window after 10 minutes, don't sleep, okay?" Ayan lang ang sinabi nito at biglang nawala ang tawag na hindi man lang inaantay ang sagot ko. I know what he will do! He will go here just to see me smiling at him. And thinking of that, I couldn't help but to smile… Sinong lalaking matino ang pupunta ng bahay ng isang babae para lang mangitian sila? That's crazy! Some other men will just say just send them a picture of you smiling and some other men don't care at all if you are smiling or crying after an argument. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko habang inaantay ang oras pati na ang tawag ni Ali. Biglang hindi ako mapakali dahil doon. Parang inasinan iyong pang-upo ko at nagpa-ikot ikot ako sa kwarto. Mabilis kong kinuha ang phone ko nang umilaw ito, bahagya akong nagtaka dahil number lang ang natawag. Sino naman ito?! Hindi mo sinagot at hinayaan ko lang na mawala ang tawag pero agad din naulit kaya napakunot na ang noo ko, muli ay hindi ko sinagot at hinayaan lang na mawala ang tawag hanggang tuminog itobg muli at ngayon pangalan na ni Ali ang nakarehistro kaya mahilis kong kinuha iyon at walang alinlangan na sinagot. "I'm trying to call you, I thought you were talking to someone…" may tampo sa boses niya. "Sorry…" ayon lang naman ang sinabi ko. Hindi na ako nag-explain pa dahil wala naman akong ieexplain. May tumawag lang naman na hindi ko kilalang number. "It's okay. Tingin ka na sa bintana mo," saad niya kaya naman mabilis akong tumayo at tumingin bintana ko. And there, I saw him standing outside his car, smiling, and waving his hand. Nakadagdag kagwapuhan sa kan'ya ang magulo nitong buhok pati na ang pambahay na damit niya na parang normal lang sa kan'ya. Para siyang isang model ng pambahay sa itsura niya. Kusang kumurba ang labi ko sa mga nakikita at naiisip ko. "Talagang nagpunta ka dito?" usal ko sabay kaway din sa kan'ya. Tumingin pa ito sa langit bago muling tumingin sa akin at ngumiti. "I love you… I'm sorry for what I said earlier. I want to feel your hug again," saad niya habang nakatitig sa akin. "Do you really love me?" tanong ko dito. Kita ko naman ang mabilis nitong pagngiti at pagtango. "Still doubting?" tanong nito na marahan kong inilingan. "I love you, I really do," "Can you still wait until my family trust me again?" Nagtataka naman ako nitong tignan na parang nagtatanong sa akin kung bakit ko iyon na tanong. "I can still wait unti–" "I love you," habol ko. "I love you," pag-uulit ko. Kita ko sa mga mata nito ang gulat habang nakatitig sa mga mata ko. Agad akong nagpunas ng pisngi nang maramdaman kong may tumulong luha doon. "What happened?" "They didn't trust me yet," usal ko dito. "They think I will do the same mistake I did in the past," Para akong batang nagsusumbong sa kan'ya. "You can't blame them, hindi lang ikaw ang nagkaroon ng trauma kun'di pati sila. They just want you to realize that," saad niya and I'm expecting that from him. I didn't expect him to be gentle on me kahit pa mahal niya ako. Hindi siya si scold kung hindi niya ako papagalitan. "But we know you already change at iyon ang papatunayan mo. If you didn't change at all then hindi ka makakarating kung nasaan ka ngayon. You're strong and independent woman now, you know now how to stand on your own dahil bumabangon ka at nagbabago. Hayaan mo na muna ang iniisip nila, hindi mo pa iyon mababago dahil wala ka pa ulit napapatunayan," muling paliwanag nito at ngumiti sa akin. "Don't cry… sabi ko gusto kitang makitang nakangiti, hindi umiiyak at pagalitan!" biro nito kaya naman napairap ako habang nakangiti. "I just can't help it… masakit e," usal ko. Nakita ko naman na napatango siya sa akin. "Normla lang naman iyon. May damdamin ka e pero katulad sabi ko sa iyo, patunayan mo na lang na iba na ngayon ang sitwasyon," saad nito na tinanguan ko. "Salamat! Napatagal ka pa tuloy dahil sa pagdadrama ko," usal ko at ngumiti sa kan'ya. Ngumiti din naman ito bago biglang nagbago sa pagngisi na ikinataas ng kilay ko. "You're welcome, okay lang! Worth it naman. I found out that you love me too," mababa ang boses nitong pagkakasabi. Napakagat naman ako sa labi ko nang maalala ko ang pag-amin na ginawa ko. Napatingin ako sa langit at biglang naalala ang mga sinabi niya about sa constellation. "Ipapaframe mo din ba ang constellation ngayon gabi?" tanong ko dito sabay tingin sa kan'ya na nakatingin sa akin. "Definitely yes," Nagpunas ako ng luha at malapad na ngumiti sa kan'ya. "I love you, uwi ka na at magpahinga. Nakita mo na akong nakangiti," saad ko dito at kumaway pa. "Yeah… I love you too. Good night, smiley. See you in my dreams," malambing nitong saad at katulad ko ay kumaway din. "Yes, good night and see you tomorrow," Nagngitian lang kaming dalawa bago patuloy na kumakaway sa isa't-isa. Napatawa naman ako nang bigla itong nagflying kiss sa akin, mabilis kong iniharang ang my melody na hawak ko at iyon ang sumalo ng kiss niya. Mas natawa naman ako nang makita ko ang mukha nito na nakasimangot dahil sa ginawa ko. "Next time na ang kiss!" usal ko sa telepono na ikinatawa nito. "Oo nga pala! Sige na! Good night again, smiley. I love you," "Yep! Good night and I love you too… ingat ka sa byahe," Binaba ko na ang tawag pero pareho pa din kaming nakatingin sa isa't-isa. Muli itong kumaway sa akin na siyang ginaya ko naman. Nang pumasok na ito sa kotse niya at umalis ay doon ako tinamaan ng hiya. Mabilis akong napaupo at nakagat ang ibabang labi ko. Naibaon ko ang mukha ko sa unan at pinaghahampas iyon. Para kaming batang ewan na magtatago sa mga magulang namin. Ang landi-landi mo, Cai! --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD