CAITH
"BAKIT naman ang laki ng mga ito?!"
Natawa ako nang marinig ko ang reklamo ni Dr. Trev sa akin habang hawak nito ang life size na stuff toy para mailagay sa kotse niya.
"Ahm! Hindi ko din po alam e," ayan ang sagot ko sa kan'ya habang hawak ko naman ang dalawang unan at isang katamtaman ang laki.
Sabi niya kasi ay ilagay na daw namin sa kotse niya para mamaya ay uuwi na lang raw kami, at since isang oras na lang naman bago ang uwian ay hinayaan ko na lang.
Bahagya naman akong natawa nang muntikan itong madapa dahil hindi niya gaano makita ang daanan.
"Pagbabayarin ko nga iyon si Tin, para naman kahit paano ay kumita ako sa kan'ya!" saad nito habang nakanguso.
Mabilis naman akong umalma sa sinabi nito.
"Ay hindi! Ako na lang po ang magbabayad," usal ko dito.
Mabilis naman siyang tumingin sa akin at umiling.
"Hindi, biro lang! Hindi ko pagbabayarin iyon si kuya," saad nito sa akin sabay ngiti.
Para naman akong may naalala nang magsalita siya.
"Kuya?" tanong ko dito.
Tumango lang ito sa akin at hindi muna nagsalita dahil binuksan na nito ang kotse niya.
Nang mailagay na namin lahat sa loob, akala ko ay aantayin na lang niya ako sa kotse pero hindi, sumama siya sa akin sa loob at paakyat ng opisina.
Mabuti na lang at kilala din siya dito kaya hindi naman siya pinipigil, pinagtitinginan nga lang siya ng mga empleyado dahil sa ayos niya.
"OO! Kuya ko iyon si Tin, dalawang taon ang tanda noon sa akin," biglang usal nito nang nasa loob na kami ng elevator.
Napatingin pa ako sa kan'ya dahil bila itong nagsalita.
"Naalala ko kasi iyong tanong mo kaya sinagot ko," habol niya sabay tawa na ikinatawa ko din.
"Ag okay po. Matanda po pala sa inyo si Ali, akala ko po matanda kayo sa kan'ya," tugon ko.
Bigla naman akong napatingin dito nang maramdaman ko ang titig nito sa akin.
Bahagya pa akong napaatras dahil sa titig niya sa akin.
"Mukha ba akong matanda kay Tin?" tanong niya sabay ngumuso.
Akala ko ay galit siya dah sa sinabi ko! Ung titig niya kasi kanina ay akala mo may ginawa akong masama.
"Ah! Hindi naman! Akala ko lang. Sorry," usal mo at pilit na ngumiti.
"Grabe ka, Cai!" usal niya sabay tingin sa sarili niya sa pader ng elevator. "Sinabihan akong matanda. Madami na ba akong wrinkles? Hindi naman kubot ang mukha ko? Baka dahil sa stress ko sa mga pasyente ko kaya mukha na akong matanda,"
Humarap itong muli sa akin tapos ay hinimas ang mukha.
"Okay lang kaya kung magpapabotox ako?" seryosong tanong nito.
"Eh?" nakangiwi kong tanong dito.
"Botox! Papabanat ko iyong balat ko sa mukha para magmukha ulit akong bata. Ung magmumukha akong mas bata kay Miggy," paliwanag niya sabay harap ulit sa pader.
Hindi naman ako makapaniwalang tumingin at umiling iling sa kan'ya habang nakatalikod.
May saltik ata itong lalaking ito…
Mas bata naman kasi talagang tignam si Ali sa kanilang dalawa, kahit pa laging nakasimangot at poker face iyong si Al, e! Baby face naman ang mukha niya.
"Sagana din naman ako sa fresh juices kaya bakit mas matanda ako tignan kay Tin," usal nito.
Natawa na lang ako ulit at akmang sasabihin ang nasa isip ko nang bigla niyang dagdagan ang sinabi niya kanina.
"Si Tin naman, virgin pa at hindi pa panigurado nakakatikim ng fresh juice,"
Napaiwas na lang ako ng tingin sa kan'ya at pilit kinalimutan ang sinabi nito!
He's not talking about, fresh fruit juice! He's talking about something erotic!
Grabe lang talaga ang bunganga nitong doctor na ito! Walang pinipiling tao.
Hindi ko na lang ito pinansin at hinayaan siya doong magsasalita dahil may iba kasi siyang sinasabi na hindi ko naman na maintindihan.
NAKARATING na kami ng table ko at naupo siya doon sa isa sa mga silya at nagsasalita pa din siya.
"Bakit po madaldal kayo?" tanong ko dito sabay tingin sa kan'ya.
"Cai, grabe ka na sa akin!" biglang singhal niya na ikinatawa ko. "Kanina ka pa ha," habol nito.
"Sorry na po. Ang daldal po kasi ninyo hindi katulad ni Ali na tahimik," tugon ko sabay peace sign.
Napairap lang naman ito tapos ay sumandal sa upuan niya at tumahimik.
Napangiti na lang ako tapos ay tumingin sa laptop ko at nagtrabaho.
"AH! akala ko naman po ay umuwi talaga kayo para dito, mabuti na lang ho ay hindi," saad ko habang nasa byahe na kaming dalawa.
Matapos kasi ng trabaho ko ay agad ko na itong niyaya. Nahiya naman kasi ako na nag-aantay siya sa akin.
"Umuwi ako kasi kaninang umaga ay may pasyente ako, tapos tumawag si Tin na wag daw muna ako pumunta at ihatid kita. Hindi naman sinabi kung bakit basta ihatid raw kita, mabuti na lang at malaking kotse ang dala ko!" paliwanag nito na bahagya kong ikinatawa.
Pakiramdam ko kasi sa paliwanag niya ay close silang dalawa.
"Close po kayo ni Ali, 'no?" puna ko na mabilis niyang tinanguan.
"Yes! Pero mas close sila ni Justin, siya lang ang nakakatagal sa kag*guhan no'n pero close kami, I had to and I wanted to be close to him, since I am the only family he considered," usal niya habang nakatingin sa daan.
Kahit hindi nito kita ay tumango-tango lang ako sa kan'ya.
"Paano po ninyo nalaman na magkapatid kayo? Curious lang," tanong ko ulit dito.
"Before pa namin malaman na magkapatid kami, magkaibigan na kami. I mean, magkakilala na! Second year college kami nang malaman namin na magkapatid pala kami," umpisa nito. "Alam ko na ang kwento niya dahil sa grandparents niya at galit na galit ako sa parents niya lalo na sa mama niya but it turns out we have the same mom who I love the most because of her story, but the moment I found out about Tin, I'm so disappointed to our mom,"
"Sinabi ko iyon kay Tin pero pinagalitan niya ako at sinabihang wag magalit sa nanay namin. Hindi man ipinapakita ni Tin na mahal niya si mama but he still loves her kahit pa iniwan siya nito at walang pakialam sa kan'ya. Doon ko din napatunayan na Tin is a good guy kaya kahit anong sabihin nila daddy sa akin about paglayo kay Tin, hindi ko ginawa. I know him before the issue ang he's my friend,"
"Do you admire him the most?" tanong ko dahil parang pinagmamalaki niya si Ali habang ikinukwento ang parte ng buhay nito.
"Oo! Pangalawa siya kay Miggy," tugon niya. "Bukod sa hangga ako sa tapang niya sa buhay, hangga din ako sa pagpipigil niyang lumandi! Napakailap niyan sa babae, Cai! Kung alam mo lang! Isasama ko siya sa bar para magliwaliw tapos magpapakilala ako ng mga babae sa kan'ya, sa tatlong ipinakilala ko sa gabing iyon, wala siyang nakatable!"
Gusto kong matawa sa pagkakakwento niya dahil hinahaluan niya pa ng action kahit pa nagdadrive siya.
"Mabibilang lang sa kamay ang nakafling niyan! Pero sa mga babae na iyon lahat ang komento, magaling humalik si Tin, natry mo na ba?" tanong nito bigla.
Kaya kahit wala akong kinakain o iniinom ay para akong nalunod at napaupo ng ilang beses.
"Hindi pa! I mean, hindi!" mabilis kong sagot matapos kong magpaubo-ubo.
Nakarinig lang ako ng tawa galing sa kan'ya.
"Biro lang! Masyado ka kasing seryoso pero sa sagot mo parang gusto mo na itry, sige sabihin ko sa kan'ya kaso baka 'pag sinabi ko iyon, bigla akong to hagis sa dagat kaya hindi na lang pala!" natatawang usal nito na ikinailing ko na lang.
Medyo sira ulo din talaga itong doctor na ito!
"Pero alam mo, seryoso ako doon sa napakailap ni Tin sa babae, ang nakakausap lang niyan na babae ay sila Nicole at ikaw, kaya nararamdaman kong magiging sister-in-law kita!" masayang habol niya na ikinatawa ko lang naman.
"Hindi–"
Nahinto bigla ang pagsasalita ko nang biglang tumunog ang phone ko.
Sabay naming tinignan iyon at isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Dr. Trev nang makita ang pangalan ng kapatid.
Sinagot ko na lang din iyon para naman matigil na ang kakatawa nitong isa.
"Hello," bati ko sa kabilang linya.
"Smiley, I miss you. Pauwi ka na?" tanong nito.
Napakagat naman ako sa labi ko nang marinig ko ang boses niya.
"Ahm! Oo, pauwi na kami kasama ko si Dr. Trev," saad ko sabay lingon dito sa kasama ko na kagat-kagat ang kamay niya para pigilan ang pagtawa.
"Mabuti naman at sumunod! Be careful on that guy, don't believe in his flowery words! Okay? When I come back you will never see him again," usal niya na may halong inis.
Marahil ay nagseselos na naman siya dahil hindi siya ang kasama ko sa iisang kotse!
"Opo na! Ingat ka diyan at enjoy!" ayon na lang ang nasabi ko.
"Okay! See you in four days! Bye!" agad itong nagpaalam pero bago niya patayin ay may huli pa siyang sinabi. "I love you,"
"I WONDER what my brother told you that you keep on smiling," usal nitong kasama ko nang makarating kami sa bahay at mapasok ang mga stuff toys sa loob ng bahay.
Miski sila papa ay nagulat nang makita ang mga stuff toys pero si Faye naman ay tuwang tuwa.
Alam kong mamaya sila magtatanong kung kanino ito galing kaya sasabihin ko naman ang totoo.
Tinignan ko lang naman ito at umiling habang pinipigilang ngumiti muli.
Hindi ko naman kasi napansin na nakangiti pala ako! Para kasi akong kinikiliti na ewan nang marinig ko ang salitang 'I love you' kay Ali! Iba ang epekto! Alam kong sincere at hindi nagpepeke!
"Salamat po sa paghahatid, ingat ka po sa pag-uwi," saad ko dito.
Muli ko lang narinig ang tawa niya at tumango.
"Okay! Dito na ako," usal niya tapos ngumiti nang maayos sa akin. "Thank you for making my brother genuinely happy, Cai. I hope you two end up together… I'm looking forward on your wedding. Pareho ninyong gamutin ang puso ninyong naghahanap ng totoong pagmamahal and you can call me Trev,"
Kusa lang naman kumurba ang mga labi ko dahil sa sinabi niya.
Sa lahat ng sinabi nito sa buong magkasama kami ito ang pinakatotoo at sincere.
I feel how much he loves his brother kahit pa half lang ang dugong dumadaloy sa kanila.
"KANINO galing iyong mga stuff toys na iyon?"
Ayan ang bungad na tanong nila mama sa akin nang makapasok ako galing sa paghahatid ko kay Trev.
"Ah! Galing lang po iyan sa kaibiga–"
"May kaibigan bang magbibigay ng ganyan kalalaking manika?"
Napayuko ako nang putulin ni Mama ang sinasabi ko.
"Kaibigan ko lang–"
"Baka nagsisinungaling ka na naman, Cai ha! Baka biglang umulit ka na naman," muling putol ni Mama sa sinasabi ko.
"Hindi po," mahinang saad ko .
Napakagat na lang ako sa labi ko para pigilin ang pag-iyak ko.
Kiabigan ko lang naman talaga si Ali e. Isa pa ito sa dahilan kaya ayoko muna. Alam kong wala pang tiwala si Mama sa akin para pumasok ulit sa relasyon dahil sa mga nagawa ko.
"Tama na nga iyan.Eh, ano naman kung bigyan siya ng regalo ng kaibigan niya o magkaroon siya ng manliligaw, matanda na naman itong panganay natin at natuto na ito,"
Napaangat ang tingin ko sa narinig ko kay Papa na mahinahon lang na nagsalita.
Tumingin ito sa akin at ngumiti.
"Sumigi ka na at magpalit ng damit. Kumain ka na din at paniguradong inaantok na itong si Faye," utos nito na marahang kong ikinatango.
Naglakad ako paakyat ng kwarto ko, nang makarating ako doon ay nakita ko si Fatima na nakatingin sa akin.
"Ate, wag mo na lang pansinin si Mama, nag-aalala lang iyon sa iyo," saad nito at tipid na ngumiti.
"Alam ko, hindi naman ako galit," tugon ko at ngumiti din sa kan'ya.
Tumango lang ito sa akin at bago ako nagpaalam papasok sa kwarto.
Agad akong yumakap sa my melody na bigay ni Ali nang makapasok ako.
Hindi ko pa nababalatan galing sa plastic pero iniyakan ko na agad ito.
Hindi naman ako galit, naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang sermon ni Mama pero hindi ba pwedeng main love ulit pagkatapos nang aral sa akin?
"Scoldy..." tawag ko kay Ali habang tahimik na umiiyak doon.
------------