DUSTIN "TOL," Agad akong napatingin kila Trev nang bumukas ang pintuan kung saan ako nakacheck in. Today is our wedding day and I'm a bit nervous pero hindi ko lang pinapahalata sa kanila dahil ayoko namang asarin nila ako. Nakita ko na pumasok ang mga kaibigan ko na may ngiti sa labi. "Bro, let's go. Need mong mauna sa simbahan," usal ni JK na bitbit ang coat ko. Inabot nito sa akin iyon kaya naman mabilis kong kinuha sa kan'ya at marahang isinuot. "Are you nervous?" Napatingin ako kay Miggy nang marinig ko iyon. "Yes," usal ko sabay ngiti sa kanila. "But I'm excited…" And that's the real emotion I'm feeling right now at alam kong naiintindihan nila ang ibiga kong sabihin dahil mga kinasal na din naman ang iba sa amin. "That's normal," usal ni Miggy na ikinatango ni JK. "Yes,

