CAITH "I'M SORRY! Wait lang! If you want, you can wait me sa tabi ng building, sabihin mo pangalan ko! Libre ka na doon," saad niya. "Ayoko! Baka kung ano pa gawin sa akin doon!" bwelta ko. "Sana doon mo na lang ako pinag-antay at hindi dito! Loko ka!" angil ko bago mabilis na tumayo at patakbong lumabas ng unit niya. Nakarinig lang ako ng tawa sa kan'ya bago tuluyang magsara ang pinto nh unit nito. Huminga lang ako nang malalim bago lumakad paalis ng harapan ng unit nito para doon siya hintayin sa café. Nang makarating ako doon, umorder lang ako ng isang fruit tea at isang croissant dahil pakiramdam ko ay matatagalan akong antayin si Trev. Mabuti nga at nakatakas ako kay Ali ngayon. Sinabi ko na lang na may kailangan akong puntahan dahil inutos iyon ni Sir Miggy, mabuti na lang at n

