CAITH “CAI! Congrats ha! Napanood ko iyong live nila Ms. Nicole noong nakaraan at grabe talaga yun! Kung hindi ko kayo kilala ay hahanapin ko talaga kayo ni Sir Ali,” Napatawa naman ako kay Chav nang marinig ko iyon sa kan’ya. Nasa cafe kasi ako ito sa baba ng building dahil coffee break ko at bigla kong naisipan na magkape. Hindi nga alam ni Ali na nandito ako, wala lang. Gusto ko lang uminom ng kape at isipin kung ano ba ang ginawa ko para maexprience ang ganito saya sa puso ko. At kung itatanong ninyo bakit alam ng iba ang about sa proposal ni Ali ay simple lang. Adte ng halik na iginawad sa akin pati na ang pagsusuot ng singsing, doon lang din namin na pansin na hindi patapos ang live nila dahil ang Nicole ay inaantay ang tawag namin, so we called and the whole audience watching th

