Tatlong linggo ang mabilis na lumipas. Hulihan na ng Hunyo. Ang trial ni Don Ricardo ay opisyal nang nagsimula. Tapos na ang mga preliminary hearings, nailatag na ang mga ebidensya, at ang media coverage—grabe, intense. Araw-araw ang headlines. Araw-araw ang mapanuring mata ng publiko. Pero sina Luna at Jace? Pinipilit nilang kayanin. They're managing. Surviving. Coping. Si Jace ay lunod sa trabaho para sa restructuring ng kumpanya. New policies were implemented, ethics committees were formed, at tuloy-tuloy ang independent audits. May mga kliyenteng umalis, oo, pero marami rin ang nanatili. May mga bago pang dumating, naakit sa transparency na ipinapakita ng bagong pamunuan. Si Luna naman ay ibinuhos ang oras sa Hart Industries. Nakikipagpulong sa board, inaaral ang bawat detalye

