Isang linggo na silang nagtatago sa Laguna. Ang safe house ay simple lang—isang maliit na bahay na gawa sa kahoy at bato, napapalibutan ng malalawak na palayan at niyugan. Walang kuryente pag gabi, kandila lang at gasera. Walang internet, mahina ang signal ng cellphone. Tanging mga ibon at kuliglig lang ang ingay sa paligid. Para sa isang babaeng sanay sa penthouse at city lights, dapat ay impiyerno ito para kay Luna. Pero sa nakalipas na pitong araw, natuklasan niya ang bagay na hindi niya inaasahan—dito siya masaya. "Jace, gising na," bulong ni Luna habang inaalo ang asawang mahigpit pa ring nakayakap sa kanya. Halos alas-siyete na ng umaga pero tila ayaw pa ring bumitaw nito. "Five more minutes," ungol ni Jace, mas hinigpitan pa ang yakap. Tumawa nang mahina si Luna. "Sabi mo 'yan

