THE WEDDING DAY Alas-sais ng umaga, gising na si Luna. Actually, hindi naman talaga siya nakatulog ng maayos. Puro ikot, puro pag-iisip ng mga mangyayari kinabukasan at ang excitement niya dahil sa wakas ay ikakasal na sila ng lalaking mahal niya. Tumayo siya at saka nag-stretch. Lumapit sa bintana. Mukhang nakikisama ang panahon. Clear sky. Ang sikat ng araw ay maganda—orange and pink hues painting the horizon. Perfect day for a wedding. Napaigtad siya ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. "Luna! Wake up call!" sigaw ng maraming boses. Agad niyang pinagbuksan ang mga ito. Nakita niyang nakatayo sa harap ng pinto at may mga ngiti sa labi sina Manang Betty, Madam Celeste, at ang mga childhood friends niya. Si Tricia, si Sofia, si Kaye. The real friends. Not the party crowd,

