[MANDY] "Hindi ko po masyadong maintindihan ang sinasabi niyo," magalang na sabi ko rito sa ama nina Dark. "Paano niyo po ba nasabi na ang Evictu ang masasama at ang mga Devial ang hindi?" confused na tanong ko. Hindi ko kasi talaga ma-gets ang logic niya. Alam kong medyo strikto ang Evictu at madalas hindi sang-ayon si Dark noon sa mga desisyon na ginagawa nila, pero nakita ko naman noon na para iyon sa kaligtasan nila. "Di na ako magugulat kung ganyan ang tingin mo nga Evictu. Natatandaan ko na nakipagkasundo ka sa kanila noon, kaya madali lang isipin na sila ang tama at ako ang mali. Na sila ang nag-iisip ng kapakanan ng lahat habang ang mga Devial ang mga kaaway na gagawin ang lahat upang masira ang Molave at ang kapayapaan na meron sa lugar na iyon. Pero Mandy, hindi ganyan ang naki

