[MANDY] Nagising akong mainit ang pakiramdam ko. Yun pala ay nasisikatan ng sinag araw ang mukha ko dahil nakahiga ako malapit sa bintana. Akala ko mag-isa lang ako rito sa kwarto ko, pero nakita kong nagbabasa ng libro si Aaron sa may gilid ng kama ko. Nakasalampak siya sa sahig sa tabi ng kama ko at humahagikhik pa kaya sinilip ko na kung ano ang binabasa niya. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapansin kong isang men's magazine pala ang binabasa niya! "Aaron! Jusko namang bata ka! Hindi ka pa pwedeng magbasa niyan!" Napatalon pa siya sa gulat nang marinig niya ako kaya medyo natawa rin ako doon. Tatayo na sana ako para agawin sa kanya ang magazine na may mga seksing babae sa cover kung hindi lang bigla rin akong nahilo. "Ate Nars! Ayos ka lang? Masama pa ba ang pakiramdam mo? Gusto

