[MANDY] Hindi ako makagalaw sa sobrang takot. Grabe 'yung epekto sa akin nang biglaang pagsulpot ng lalaking ito dito sa loob ng cottage namin ni Dark. Hindi lang dahil nakakatakot ang itsura niya, kung hindi dahil na rin sa tinging ipinupukol nito sa akin ngayon. Obvious kasi sa mga mata nito ang isang bagay. Gusto ako nitong saktan. Naglakad ito papunta sa akin, at wala naman akong magawa para makalayo. Para akong halaman na nag-ugat na sa sahig ang mga paa kaya hindi na ako makakilos. At alam ko kung bakit ito nangyayari sa akin. Sobra akong natatakot sa nangyayari ngayon dahil alam kong wala akong kalaban-laban sa kanya. Tapos bigla siyang nagsalita. "Ikaw ba si Mandy?" Nakakatakot rin ang boses niya. malamig ito at may himig ng isang baliw na kontrabida sa isang horror movie. P

