[MANDY] Tinawagan ko si Rodney nang matapos ang usapan namin ni Dark. Gusto ko kasing malaman ang kalagayan niya kahit na umalis na si Dark para dalawin siya. Grabe nga rin ang takot ko na baka maging unattended ang phone ni Rodney kapag tinawagan ko siya, dahil iisa lang naman ang pwedeng mangyari sakaling yun nga ang maging scenario at hindi ko yun gusto. Kaya naman sobrang saya ko nang marinig ko ang boses niya. "Okay naman kayo diyan?" tanong niya kaagad sa akin. "Si Denzel? Okay naman ba? Hindi ba sinusumpong ngayon?" "Ayun, kaagad na nakatulog. Baka napagod kanina." "Mabuti naman. Eh ikaw. Kumusta ka diyan? Okay ka lang ba? Alam kong marami kang alaala diyan sa dati mong apartment..." Mapahinga ako nang malalim dahil sa sinabi niya. "Wala naman akong ibang choice kung 'di sumama

