Chapter 132

1691 Words

[MANDY] Nabigla ako doon. Akala ko kasi dideretso na kami sa mansiyon nila. Pero iba pala ang plano ni Dark. At kung tutuusin, maganda ang idea niya na iwasan muna naming bumalik sa kanila dahil baka nga naman nakaabang na doon ang mga Devial sa amin. Mahilig pa naman sa ganoong gawain ang mga Devial. Ilang beses na ba nilang ginawa yun sa amin? Di ba nga at kaya kami nawalay ni Dark sa isa't-isa ay dahil na rin sa ganoong strategy nila? Kaya hindi na ako kumontra pa sa desisyon ni Dark dahil mukha namang alam niya kung ano ang ginagawa niya. Pero ang nakakapagtaka para sa akin, bakit sa St. Thaddeus pa kami pupunta? Sure ba siya na safe kami doon? Hindi ba alam nina Dimitri kung nasaan ang lugar na iyon? Parang ang imposible naman noon. Kaya kinulit ko si Dark kung bakit doon niya nais

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD