[MANDY] Nasampal ko sa mukha niya si Rodney dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko kasi akalaing sasabihin niya ang mga yun sa akin nang direkta. Kahit kailan talaga ay napakaprangka niya, at hindi siya natatakot na sabihin sa akin ang gusto niyang sabihin. Noon pa man, sinasabi niya naman talaga ang mga bagay na ito sa akin, at madalas ay natutuwa ako na open siya. Nakakabilib naman talaga sana ang katangian niyang ito kung hindi lang ako na-offend din doon. "Grabe ka naman sa'kin, Rodney," malamig na sumbat ko sa kanya pagkatapos dumapo sa pisngi niya ang kanang kamay ko. "Ano naman ang tingin mo sa akin nun? Na hihiwalayan lang din kita kaagad pagkasabi mo na ayaw mo na sa akin at isusuko mo na lang ako?" hinaing ko sa kanya. May kirot sa tingin na ipinupukol ko sa kanya ngayon dahil hind

