[MANDY] Mahaba ang naging pag-uusap nina Aldy at Dimitri, pero hindi na namin narinig ang lahat ng mga sinabi nila sa isa't-isa dahil nang marinig lang namin na may mga Devial ngayon dito sa ospital ay kaagad na kaming umalis ni Dark para balikan sina Rodney at Denzel. Sobrang takot na takot talaga ako dahil hindi ko alam kung maaabutan ko pa doon sa room ni Rodney ang anak ko--- Klaro kasi ang pagkakarinig ko sa sinabi ni Dimitri kay Aldy. Hindi nga kami makapaniwala ni Dark sa mga narinig namin. Muntik pa nga akong sumugod, pero pinigilan ako ni Dark dahil mas maganda raw kung malalaman namin nang buo kung bakit sila nag-uusap na dalawa. Pero nang banggitin ni Dimitri ang tungkol sa anak namin, hindi na kami nakatiis ni Dark. Pareho kami ng nasa utak namin ng mga sandaling iyon kaya n

