[MANDY] Daig pa ng katapusan ng mundo ang kaba at tindi ng pressure na nararamdaman ko ngayon na nandito na sa ospital si Dark. Karga-karga niya siya Denzel nang pumasok siya sa kwarto ni Rodney. Magkapareho pa sila ng suot--- navy blue polo at white pants, at parang pupunta sila sa mall sa getup nilang mag-ama ngayon. Sa itsura nila ngayon ay litaw na litaw na talaga ang pagiging mag-ama nila, at kitang-kita ko ang aliwalas sa mukha ngayon ni Dark. Masaya akong makita na masaya siya, at ganoon din ang anak ko. Nag-alala rin naman kasi ako na baka hindi siya magustuhan ni Denzel kalaunan. Pero siguro nga kapag magkadugo ay hindi mahirap na magkapalagayan ng loob, kaya naman sobrang saya ni Dark tingnan ngayon. At kapag ganitong sobrang saya niya, lumilitaw ang pagiging gwapo at magandang

