[MANDY] Ngayon ko masusubukan kung dadaan nga ba kami ni Nikus sa butas ng karayom para lang makaalis mula rito sa Molave. Alam ko na baka hindi kami magtagumpay pero para sa'kin ang importante ay ang sumubok ako kaysa naman sa tumunganga lang ako sa isang sulok. Bumalik ako sa kwarto ko na parehong kabado at excited pagkatapos naming pagplanuhan nang maigi kung paano namin susubukang tumakas. Mabuti na nga lang talaga at gusto ring makaalis ni Nikus para hanapin si Dimitri kaya ko ito napapayag. "Manghingi ka nang bagong damit kay Vier," utos sa'kin ni Nikus kanina. "Para saan naman yun?" "Yun ang susuutin ko kapag nagpanggap na akong ikaw," aniya. "Pero make sure na isusuot mo muna iyon upang makita rin muna ni Vier na suot mo yun. Kapag nangyari yun, saka pa lang tayo pwedeng tumaka

