[MANDY] Kinakabahan ako nang bongga habang pinagmamasdan ko nang maigi ang rebulto sa fountain, dahil may mga pumapasok na isip ko. May nabubuo na akong ideas pero ayoko munang isipin ang mga yun, lalo na ngayong nasa gitna ako ng pagtakas ko. Umiling-iling na lang ako at sinampal ko na lang ang sarili ko para magbalik na ako sa katinuan ko. Para kasing nagayuma ako ng rebulto eh. Nagawa ko namang malabanan 'yung gayuma, yun nga lang masyadong nakaka-curious ang nakita ko kaya para matigil na ako, umalis na ako agad sa lugar na yun at hinanap ko na lang ang pinapahanap sa akin ni Nikus. Ang sabi niya kasi, nasa gitna iyon ng Molave, kaya baka kailangan kong magtungo sa lugar na obvious na nasa center ng Molave tulad ng plaza o amphitheater, ganon, para makita ang hinahanap ko. Napansin k

