[MANDY] "Hindi kita pwedeng hindi ibalik sa Molave, Ate Mandy," malumanay na sabi sa akin ni Brylle habang nagmamaneho siya. Paalis na kasi kami ng bayan kung saan kami nagkita ni Dark. Natapos na kasi kaming mag-usap, at ngayon ay nasa kotse na kami pabalik ng Molave kahit na nagpro-protesta ako na huwag na akong dalhin doon. "Yari na talaga ako kay Kuya Vier kapag hindi kita dinala roon." "Para saan pa na babalik ako doon? Narinig mo naman si Dark kanina," singhal ko sa kanya mula sa tabi ng driver's seat. Naka-de kwatro pa ako at nakatukod ang kamay ko sa baba ko habang nakasimangot akong nakamasid sa labas ng bintana. "Hiwalay na kami ni Dark. Hindi na ako obligadong bumalik pa doon, 'di ba?" "Well, technically, oo," ani Brylle na mukhang nagdalawang-isip pa sa sagot niya. "Pero kas

