[MANDY] Nabigla si Dark sa ginawa ko. Siguro hindi niya ini-expect na hahalikan ko siya, kaya naman para siyang tuod habang nangyayari ang isang bagay na madalas ay siya ang nagi-initiate. Mainit ang labi niya at malalim na ang paghinga niya. Hindi siya kumikilos at hindi siya nagsasalita dahil na rin siguro sa pagkakabigla. Pero noong nilaliman ko na ang halik ko sa kanya ay doon na siya nagpumiglas. Siguro ay na-realize niya na hindi magandang idea ang nangyayari kaya gusto niya akong itulak palayo sa kanya. Pero hindi naman ako basta-basta susuko. Ako? Susuko? Hindi ako ganun, lalo pa kung mahal ko ang taong ipinaglalaban ko. Alam ko naman na kaya niya gustong umiwas sa halik ko ay dahil baka hindi niya matiis ang sarili niya at bumigay na siya sa akin. Kaya naman ginagawa ko ngayon

