[MANDY] Hindi ako nakatulog sa sinabi sa akin ni Arthur. Siyempre, iba pa rin kasi iyong epekto sa akin ng mga nangyari sa akin habang 'asawa' ako ni Dark noon. Importante pa rin sa akin ang mga alaalang yun dahil kahit na noon pa man ay marami ng pagsubok ang dumaan sa amin, masaya pa rin kami. Kaya nga nang mabanggit ni Arthur ang tungkol doon sa usapan namin ni Dark, bigla akong naguluhan. Kung totoo kasi ang sinasabi niya na mamamatay pa rin si Dark kapag sinabi ko sa kanya kung ano siya, kahit na isa na siyang Devial ngayon, ibig sabihin, may sandata pala talaga ako laban sa kanya. Kaya ko pala siyang patayin kahit ano mang oras kong naisin. Kaya naman kung mapapatunayan ko talaga na si Dark nga ang pumatay sa buong pamilya ko, kayang-kaya ko pala siyang burahin sa mundong ito nang

