[MANDY] Umuwi kami ni Dark sa mansiyon nila pagkatapos nang seryosong usapan namin doon sa tapat ng REU Hospital. Pinagpahinga niya muna ako, then sabi niya isasama niya raw ako somewhere bukas. Nagtataka man kung saan kami pupunta, pumayag na lang ako dahil yun naman ang trabaho ko. Natulog na lang ako at pagkagising ko, gabi na. Nagpunta ako sa kusina para kumain sana, pero ang naabutan ko roon ay si Arthur. Nakaupo siya sa counter habang nagkakape at nagbabasa ng diyaryo. Ngayon lang ako ulit nakakita ng taong nagbabasa ng diyaryo kaya medyo nabigla ako doon. Nakita niya ako. "Gising ka na pala, Mandy." "M-Magandang gabi po..." bati ko naman sa kanya. Nahihiya man, lumapit na ako sa counter at naghanap ng makakain. May pagkain sa ref at kailangan ko lang iyong initin. Kaya kumilos

