[MANDY] Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Nanghihinayang ako at nagsisisi sa mga nasabi ko kagabi. Imbes kasi na maging okay kami ni Dark, lumala lang ang lahat. Akala ko kasi ay kapag malaman na ni Dark ang tungkol kay Denzel ay mas lalo kaming magiging close. Akala ko ang anak namin ang magiging ugat ng paggaan ng loob ko kay Dark. Pero hindi pala. Akala ko lang pala iyon. Ayaw niya pala kasi sa paraan ng pag-aalaga namin ni Rodney kay Denzel. Hindi siya natuwa na nalagay sa alanganin ang anak namin. Naiintindihan ko naman yun dahil magulang din ako, pero sobra naman yata 'yung gusto niyang mangyari. At ngayon, gusto niyang kunin ang anak ko mula sa pangangalaga namin ni Rodney. Wala man siyang intensiyon na takutin ako, pero iyon ang naramdaman ko nang sabihin niyang kukunin

