[MANDY] Kapag naaalala ko ang mga nangyari limang taon na ang nakakaraan, madalas naiisip ko na sa laki at sa bigat ng mga pinagdaan ko, isang malaking himala na hindi pa ako bumigay noon. Yes, hindi naging madali sa akin ang lahat pero kinaya ko naman. Pero sabi nga nila, kapag malalim ang sugat ay nag-iiwan ito nang maraming peklat, at hanggang ngayon, kapag mag-isa ako, wala akong ibang nasa isip kung hindi ang mga peklat ng aking nakaraan. Hindi naging madali ang limang taon. Akala ko nga ay hindi ko na maibabalik ang dating ako dahil sa tindi ng sakit na pinagdaanan ko, pero heto ako ngayon at araw-araw na bumabangon pa rin. Pero siyempre hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga bangungot ng nakaraan ko. Minsan nagigising na lang ako sa gitna ng gabi dahil naiisip ko na limang taon na

