[MANDY] Wala si Rodney sa loob ng bahay namin nang makapasok kami ni Dark, kaya alam ko na hinahanap niya pa rin si Denzel hanggang ngayon. Mas lalo tuloy akong kinabahan, lalo na nang makita ko ang makalat na loob ng bahay namin. Nakatumba pa nga ang buong sala set namin at ang dining table, tapos may mga basag pang mga plato at salamin sa sahig kaya nagkalat ang bubog. Ganoon din sa ang makikita sa kwarto namin pagkaakyat ko. Ang daming nagkalat na damit sa sahig. May bahid pa ng dugo sa kama na sana ay hindi kay Denzel. Nakita ko pa nga ang basag na bintana kaya napatakip na lang ako ng bibig ko para hindi ako mapasigaw sa nerbiyos. Paano naman kasing hindi ako nenerbiyosin, eh nasa second floor ang nabasag na bintana kaya ibig sabihin ay mataas ang pinagbagsakan ni Denzel. Ilang taon

