[MANDY] Para akong naubusan ng hininga sa ginawa ni Dark. Hindi lang kasi simpleng halik ang ginawa niya. Ito 'yung halik na matagal ko ng hindi nararanasan, lalo na mula sa kanya. Halik na mainit, mapusok, at hindi mapapantayan ng kahit ano man. Ito ang halik na tanging si Dark--- ang Dark ng nakaraan ko, ang nakapagbigay sa akin. Ito ang halik na alam kilala at pamilyar sa puso ko. Ito ang halik ni Dark na mahal na mahal ako. Kaya hindi na ako nagulat nang kusa akong tumugon sa halik niya. Para bang automatic na sa sistema ko na gumanti, na idiin at igalaw ko rin ang mga labi ko sa ibabaw ng mga labi niya. Napapikit ako at napahawak sa magkabilang balikat niya habang nakikipagtagisan ng halik sa kanya. Napaungol pa nga ako nang ipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. Parehong n

