[MANDY] "A-Anak? May anak tayo?" tanong ni Dark sa akin na parang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ko. Ang sikip ng dibdib ko habang sinasabi niya yun dahil hindi sana sa ganitong paraan gusto kong malaman niya ang tungkol sa anak namin eh. Kaya lang ano'ng magagawa ko? Kailangan ko siya ngayon kaya tumango na lang ako na umiiyak pa rin dahil wala ako ngayon sa mood magpaliwanag sa kanya. "Iwan ko muna kayo," pagsingit naman ng tatay niya na may makahulugang tingin na ipinupukol sa akin. "Mukhang kailangan niyong mag-usap muna." Palabas na sana siya ng kwarto nang pigilan ko siya dahil hindi naman na kailangan. Umiling ako doon sa suggestion ni Arthur. "Wala na pong time para magkapaliwanagan," sagot ko na kinakalma pa rin ang sarili ko. Sa totoo lang, kinutuban na ako kanina na pa

