[DARK] I am in a living nightmare. Alam ko na ito ang nakaraan ko, dahil nararamdaman ko na nangyari talaga ito. The pain was surreal and the atmosphere here was heavy. Parang may sumasakal sa leeg ko habang pinagmamasdan ko ang impiyerno na siguro ay mabuti na lang na nakalimutan ko na. Dahil pakiramdam ko, hindi ko gugustuhin na maalaala ang mga eksenang nakikita ko ngayon sa harapan ko. It was a terrifying sight. I was somewhere I don't know, and in front of me were extremely huge flames... These flames were bigger than me and they were burning down the house that I was looking at in front of me. At hindi lang yun, may naririnig pa akong mga sigaw ng mga taong humihingi ng tulong. May nagmamakaawang iligtas sila. Tapos may naririnig din akong parang isinusumpa naman ako. Hindi ko al

