“You disgust me again. Nakakahiya kang maging kadugo!” Habang hinahanda ko ang mga gamit ko ay hindi mawala-wala sa isip ko ang mga salitang binitawan ng pinsan kong si Amber. Pabalik-balik iyon sa isip ko na halos hindi ko na makontrol ang tuluyan pang paglalim ng pag-iisip. Hanggang sa ang mga salitang ‘yon ang kusang nagbalik sa akin sa isang hindi ko makalimutan na pangyayari sa nakaraan…. “No, Astra! Don’t run!” Hindi mawala ang ngiti ko habang nakatitig sa bago kong alagang aso na si Astra. Wala pa siyang tatlong buwan pero sobrang malaki dahil isa siya sa may pinakamalaking breed ng aso. My Dad gave Astra to me as a gift for getting a high score in our exams! Mas lalong lumuwang ang ngiti ko nang bumilis pa lalo ang takbo niya. I think he is loving his new home and new playgroun

