Lumipas ang isang linggo simula noong umalis ako sa hotel ay wala akong narinig na kahit na ano mula kay Jared. Mukhang effective naman ang pakiusap ko kay Kuya Mark na hayaan na akong umalis at mamuhay ng tahimik. Pero mukhang hindi siya mapakali kaya sa loob ng isang linggo ay may mga pagkakataon na nasisilip ko ang sasakyan sa harapan ng apartment at nagtatagal doon ng ilang oras. Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin dahil baka gusto niya lang na siguraduhin kung safe ang lugar na nalipatan ko. Hindi rin naman magtatagal ay siguradong titigil na rin siya sa pagbalik balik dito sa apartment dahil malinaw naman ang sinabi ko na wala na akong balak pa na magkaroon pa ng kahit na anong ugnayan sa kanilang lahat lalong-lalo na sa Boss niya. For the past week, I changed my number and

