Hindi nagtanong si Jared sa akin kung bakit ako iyak nang iyak sa unang pagkikita namin ng kapatid niyang si Jace. Hiyaan niya lang akong umiyak nang umiyak sa dibdib niya hanggang sa tuluyang gumaan ang pakiramdam ko. “See you in two weeks, hmm?” sambit ni Jared matapos akong halikan nang tuluyang kumalma ako sa pag-iyak. Hiyang-hiya na ako dahil kanina pa sana siya aalis pero dahil sa pag-iyak ko ay nagpalipas pa siya ng ilang sandali bago tuluyang nagpaalam sa akin para bumalik sa Pilipinas. Pag-alis ni Jared ay akala ko magiging maayos na ang pakiramdam ko pero nag tuloy-tuloy lang ang lungkot ko dahil kahit na ilang taon na ang lumipas ay tandang-tanda ko pa rin ang isang parte ng nakaraan sa buhay ko na kahit ilang beses kong subukan na kalimutan ay hindi ko pa rin magawa… “Did yo

