“Lovelove…” Sunod-sunod na halik sa pisngi ko ang tuluyang gumising sa akin. Hindi ko alam kung anong oras na ‘yon. Wala pa sana akong balak na bumangon dahil bukod sa wala namang pasok sa restaurant ay pagod na pagod ako dahil sa mga ginawa namin ni Jared kagabi. Paglabas namin sa shower room ay nakatulog na kaagad ako sa sobrang pagod! Halos magdamag yata kaming nagtaboy ng mga multo at hindi pala biro ‘yon. At mukhang hindi na multo ang maaalala ko kapag nagpunta ako sa mga parte ng bahay kung saan niya ako inangkin! “Lovelove, wake up. My brother is on the way here. I’ll be leaving in an hour too…” Narinig kong sambit ni Jared habang hindi pa rin tumitigil sa pag dampi dampi ng halik sa pisngi ko. Kumunot ang noo ko at saka tuluyang dumilat at sinalubong ang tingin niya. Nginitian

