Dahil sa pagbuhos ng mga alaala sa nakaraan ay halos buong gabi akong umiyak sa kwarto. Hindi ko akalain na dahil lang nakita ko ang picture ng aso ni Jace na nagkataon na kamukhang kamukha ng aso kong si Astra at kapangalan pa, ay iiyak na naman ako ng ganito. Noong nawala si Astra ay halos gabi-gabi akong umiiyak dahil pakiramdam ko ay nag-iisa na lang talaga ako lalo na at nasa ibang bansa pa si Kuya Larwin pagkatapos ay hindi pa rin bumabalik si Mommy. Pagkagising ko kinaumagahan ay tamad na tamad tuloy ako sa pagpasok sa trabaho. Parang nagdalawang isip pa ako kanina na pumasok dahil puyat na puyat ako dahil sa kakaiyak. Pero naalala ko na may mga kailangan pa pala akong matutunan ngayon kaya nagdesisyon ako na pumasok na lang. “Good morning!” Halos mapatalon ako sa gulat nang may

