"SALAMAT sa pagpapatuloy mo sa ‘kin, Vida,” sabi ko kay Vida. Hinintay ko talaga siyang makauwi, nag-order na lang ako sa app ng isang grocery store para sa grocery at hindi na umalis pang muli. Si Attorney naman ay kanina pa umalis nang matapos kaming mag-usap at magkasundo. Binigyan niya ako ng panahon para makapag-isip, handa naman daw siyang maghintay. Buo na ang plano ko sa mga gusto kong gawin. Kaya naman kailangan ko nang magpaalam kay Vida at gawin ang mga bagay na dapat noon ko pa ginawa. “Buo na ba talaga ang desisyon mo? Sigurado ka bang okay ka na?” tanong niya sa ‘kin. Ngumiti naman ako at tumango. “Maraming salamat.” “Wala ‘yon, ano ka ba?" natatawang sabi niya at niyakap ako. “Basta kung kailangan mo uli ng matatakbuhan wag kang mag-alinlangan na pumunta dito, bukas

