“NANDITO ako sa apartment, kasama ko si daddy,” basa ko sa mensahe na tinitipa ko bago ko ipinasa kay Attorney. Nangako rin kasi ako sa kaniya na mag-a-update ako habang hindi kami magkasama para alam niya kung nasaan ako at hindi na siya mag-alala pa sa ‘kin, ito ang naging kundisyon niya na papayag siyang hindi na muna kami magkasama at hayaan niya muna akong makapag-isip at mag-ayos ng mga dapat kong ayusin pero kailangan kong siguraduhin na ayos lang ako at alam niya kung nasaan ako. “Kumain ka muna,” sabi ni Daddy kaya binalingan ko siya. Inilapag niya sa maliit naming mesa dito sa apartment ang sinigang na niluto niya. Isa sa nakakahanga kay Daddy ay ang galing niya sa pagluluto. Kailan ko nga ba huling natikman ang luto niya? Matagal na, hindi ko na nga halos maalala, nakalimutan

