AFTER all of Dad's confession, sabi ko sa kaniya ay hayaan niya muna akong mag-isip, bigyan niya ako ng panahon para pag-isipan at intindihin ang lahat. Kahit naiintindihan ko siya, nahihirapan pa rin akong patawarin siya, hindi naman kasi nawawala ang sakit na dinulot niya sa isang tulog lang. It will always take time to heal, kaya sana maintindihan ng lahat 'yon upang wala nang gumawa ng bagay na ikasasakit ng damdamin ng iba, hindi biro ang mag-move on, hindi madaling lumimot, maaring ngayon ay hindi ko na maramdaman ngunit bukas o sa makalawa ay iiyak na naman ako, o may mga panahong namamanhid na lamang ako, ngunit hindi habang buhay ay gano'n, darating ang panahon na mauungkat rin ang lahat ng sakit. Lahat ng sugat ay nagiging sariwa kapag naungkat, at mas lalo lamang lumalalim sa

