"SHANDI?" muli na naman niya akong tinawag nang hindi na ako makapagsalita, ang tanging nagawa ko na lamang ay ang mapangiti sa kaniyang mga sinabi dahil sa kilig na dulot ng mga salitang binitawan niya. "Are you still there?" "Yes," mahina kong sabi, napatikhim ako at pinigilan nang matindi ang sarili na mapabungisngis. "M-Miss na rin kita." Mariin akong napapikit matapos kong mabitawan ang mga salitang 'yon, gusto kong tumili pero pinipigilan ko nang matindi. Nang hindi ko na matiis ay pinindot ko ang microphone button sa cellphone ko tyaka ko pinakawalan ang aking pinipigilang kilig. Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang buong katawan ko sa sobrang saya at parang gusto ko na lamang magpagulong-gulong sa mga damo sa sobrang tuwa. Ito 'yong isa sa mahiwagang nagagawa ng pag-ibig, nagbibigay n

