UMASA ako na kapag lumipas na ang mga araw ay mawawala rin ang kakaibang nararamdaman ko para kay Attorney, na baka nadala lamang talaga ako ng aking iniisip, sinubukan ko, pinilit ko ang sarili kong burahin ang lahat ng kakaibang nararamdaman ko para sa kaniya at pilit na pinanindigan ang pagkakaibigan namin, na hanggang doon lang talaga kami. Ngunit imbes na mawala ay tila lalo lamang lumala ang nararamdaman ko para sa kaniya. I cry whenever I’m alone, I’m afraid, and my fear is eating me alive, I’m so afraid to risk, and all of the bad possibilities kept running on my mind. Naramdaman ko rin na ramdam na ni Attorney ang mga nagbago sa ‘kin, mga nagbago sa ‘ming dalawa. Nang lumipas ang dalawang araw ay napagdesisyonan ko na layuan na muna siya, na dumistansya na muna, umiwas at hay

