NAGTUTUYO ako ng aking buhok habang, katatapos ko lamang maligo. Si Attorney naman ay nasa labas pa, nagpaalam siya sa ‘kin na ihahatid niya muna sa garahe ang kaniyang pamilya, hindi na niya ako pinasama dahil gabi na talaga at malamig na sa labas at isa pa mabilis lang naman daw sila, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik kahit nakatapos na akong maligo at magbihis. Hinihintay ko na lamang siyang pumasok sa kwarto nang makatulog na kami, nakapatay na ang ilaw at tanging ang lampshade na lamang sa bedside table na kulay dilaw ang nagsisilbing liwanag sa buong silid. Naging maganda ang buong araw na ito marahil sa kaniya, siguro naman ay kahit papaano ay natuwa siya sa araw ng birthday niya, ‘yon nga lang, medyo napahiya ako dahil ilang buwan na kaming magkasama ngunit hindi

